Thursday, October 11, 2007

MAIKLING KUWENTO I

Ang Matulunging Payaso
ni: Gabrielle Anne P. Cruzado

Sina Juan, Miguel at Tina ay may kaibigang payaso. Ang kanyang pangalan ay Mang Jaime. Si Mang Jaime ay isang mabait at masipag na payaso. Kayang-kaya niyang magpasaya ng kahit na sinong malungkot. Mahal na mahal siya ng mga bata sa kalye. Isang araw, biglang nagkaroon ng malubhang sakit si Mang Jaime. Nagtaka ang mga bata kung bakit wala siya sa karaniwan niyang puwesto. Si Mang Jaime ay walang kamag-anak na mag-aalaga sa kanya. Kaya nung nalaman ng mga bata na siya ay may sakit, dali-dali silang pumunta sa bahay nito. Inalagaan nina Juan, Miguel at Tina si Mang Jaime. Ginawa nila ang lahat upang patawanin at pasayahin siya. Tuwang-tuwa si Mang Jaime sa mga bata at agad siyang gumaling. Simula noon, naging kasama na ni Mang Jaime sina Juan, Miguel at Tina sa pagpapatawa sa mga tao.

2 comments:

Anonymous said...

ano ang simbolismo ng kuwento

Unknown said...

Para sakin ang simbolismo sa kwentong to ay ang mag pasaya ng kapwa tao ng walang hinihiling na kapalit.